top of page
Sphere on Spiral Stairs

BSJHMC: Shaping a New Age in Patient Care

Welcome to Bataan St. Joseph Hospital & Medical Center Website!

We created easy and accessible sources of information through this platform to better serve our clients and patients towards a healthy community.

Sphere on Spiral Stairs
Out-Patient Department Directory

Asthma Week

2nd Week of August

Ano ang HIKA?

       -Ito ay isang sakit kung saan ang mga daanan ng hangin papunta sa baga ay nagiging masikip at nagkakaroon ng uhog. Kapag nangyayari ito, nahihirapang huminga ang pasyente.

 

Ano ang mga sintomas ng hika?

   1.Mabilis kaysa karaniwan na paghinga

      o kahirapan sa paghinga

   2. Umaagahas o maingay na paghinga

   3. Pag-ubo na maaaring lumala sa gabi o umaga

   4. Pakiramdam na paninikip ng dibdib

   5. Mabilis na tibok ng puso

   6. Pangangati ng lalamunan

   7. Pagkapagod

 

Mataas ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng HIKA kung ikaw ay:

   1. may taluhiyang o allergies

   2. may miyembro ng pamilya na may hika

   3. sensitibo sa polusyon sa hangin o sa

       mabalahibong hayop

   4. nakalantad sa usok, alikabok at kemikal

 

Anu-ano ang maaaring gawing hakbang kung ikaw ay may HIKA?

   1. Magpakonsulta sa doktor upang makapagreseta

       ng nararapat na gamot sa hika.

   2. Pagtuklas kung ano ang sanhi ng mga sintomas.

   3. Pagsusuri ng mga taluhiyang (allergies).

   4. Paggamit ng instrumentong panukat sa hangin

       na dumadaloy papunta sa baga

       (peak flow meter) upang masuri at mapigilan ang

       pag atake ng hika.

   5. Pag-iwas sa mga sanhi ng pag atake ng hika.

 

Paano maiiwasan ang pag-atake ng Hika?

   1. Dalhin ang gamot sa hika sa lahat ng oras.

   2. Iwasang manigarilyo pati ang usok ng sigarilyo

       o tabako.

   3. Umiwas sa mga pagkain, gamot o mga bagay

       na nagdudulot ng sintomas ng hika.

   4. Ito ay tinatawag na mga "triggers" na nagdudulot

       ng hika.

   5. Iwasan ang maalikabok na lugar at mabalahibong

       mga hayop

    6. Iwasang lumapit sa mga taong may sipon o trangkaso

    7. Magpahinga at uminom ng maraming tubig sa

        unang palatandaan ng sipon.

 

Kung may nararamdamang mga sintomas, wag magatubiling magpakonsulta sa doktor.

 

Para sa mga katanungan ukol sa schedule ng doktor, maaaring kontakin ang mga sumusunod na numero:

+639692536403

Ang iyong kalusugan ay aming aalagaan!

#BSJHMC2022

#AsthmaWeek

Health Bulletin
bottom of page